BATA PINATAY NG AMA BAGO NAGBIGTI

DAVAO CITY – Pinatay sa taga ang isang batang lalaki ng kanyang ama bago nagbigti ang huli noong Linggo ng gabi sa Purok-12, Sitio Quimasog, Barangay Marilog, sa lungsod.

Kinilala ang biktimang si “Dodong”, 10-anyos, habang ang ama ay si Norgued Empic Patubo.

Ayon sa Davao City Police Office, nakita ng 16-anyos na kapatid nang pagtatagain ang biktima ng kanilang ama pasado alas-11:00 ng gabi habang natutulog ang bata.

Subalit dahil sa takot ay tumakbo ito palayo sa kanilang bahay.

Nang dumating ang mga awtoridad, nakaalis na rin ang suspek sa crime scene matapos ang pananaga sa anak.

Gayunman, makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang ama habang nakabigti sa basketball covered court.

Nabatid na selos sa kanyang asawa na apat na taon nang nagtatrabaho sa Saudi Arabia bilang OFW, ang dahilan ng krimen subalit nagtataka ang mga kaanak kung bakit idinamay ang bata sa galit nito sa kanyang asawa.

Nag-iwan ito ng mensahe ng paghingi ng paumanhin dahil hindi raw niya kayang matanggap ang pangyayari at nagpaalam siya sa lahat.

(NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment