PUTOL NA KATAWAN NATAGPUAN SA CALAX

CAVITE – Isang naaagnas nang putol na katawan ng isang tao ang natagpuan sa isang kanal sa loob ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX na sakop ng bayan ng Silang sa lalawigan, noong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi nang madiskubre ng isa sa personnel ng CALAX, ang agnas nang human torso sa isang canal sa loob ng CALAX sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite.

Agad naman itong ipinaalam sa pulisya na nagsasagawa ng imbestigasyon upang mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima.

Samantala, natagpuan naman ang bangkay ng isang 65-anyos na lolo sa

bulubunduking bahagi ng plantasyon ng tubo sa Maragondon, Cavite

Ayon sa ulat, dakong alas-9:20 ng umaga nang natagpuan ng isang Ariel Mineza, barangay staff, ang bangkay ni alyas “Doming”, isang magsasaka, sa bulubundukin bahagi ng isang plantasyon ng tubo sa Brgy. Tulay A, Maragondon, Cavite.

Ipinaalam na ang insidente sa pulisya na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

64

Related posts

Leave a Comment