BINATA NAGBIGTI SA ROOFTOP

NAGBIGTI sa rooftop ng kanilang bahay ang isang binata sa Brgy. 128. Tondo, Manila noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Alvin Manalo, helper, ng nasabing lugar.

Base sa ulat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda, may hawak ng kaso, bandang alas-3:50 ng hapon nang madiskubre ni Romelito Mercado, 45, habang nakabigti ang biktima sa rooftop.

Ayon kay Mercado, nagtungo siya sa rooftop nang magulantang siya nang makitang nakabitin ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang mabatid kung nangyaring may foul play. (RENE CRISOSTOMO)

365

Related posts

Leave a Comment