BINATILYO SUGATAN SA SAKSAK SA CAVITE

CAVITE – Sugatan ang isang 14-anyos na binatilyo makaraang pagsasaksakin ng isang lalaki habang nag-aabang ng sasakyan sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si alyas “Christian”, estudyante, ng Pulang Lupa, Las Piñas City, habang arestado naman ang suspek na si alyas “Mark”, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada dakong alas-1:30 ng hapon nang lapitan siya ng suspek at pinagsasaksak sa hindi nabatid na dahilan.

Sa isinagawang follow-up operation ng Police Community Precinct (PCP) Salawag, ay naaresto ang suspek na nasa kustodiya na ng Dasmariñas Component City Police Station.

(SIGFRED ADSUARA)

 

42

Related posts

Leave a Comment