42 minero na-trap, 45 nasagip 6 PATAY, 31 SUGATAN SA DAVAO DE ORO LANDSLIDES

INIULAT na anim na ang namatay habang 31 ang sugatan sa nangyaring malawak na landslides sa bayan ng Maco, Davao de Oro, ayon sa ulat ng AFP Eastern Mindanao Command.

Sa ibinahaging report mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office-Maco (MDRRMO-Maco) ni Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel, tagapagsalita ng EASTMINCOM, may anim na bangkay ang narekober mula sa landslide habang 31 naman nasugatan.

“Based in the initial report (for validation) from MDRRMO Maco, Davao De Oro, as of 2:00PM today (February 7, 2024), there are (6) dead bodies recovered in the landslide and thirty one (31) rescued, all injured.” Subalit kahapon bandang alas-2:00, ay sinasabing ito na ang updated reports

Habang may 46 naman ang iniulat na nawawala o posibleng na trap bunsod ng pagguho ng lupa.

Habang nasa 758 families naman ng ang inilikas sa evacuation centers. Nagpapatuloy pa rin ang rescue and retrieval operations ng mga sundalo, government and provincial rescue teams at iba pang ahensiya.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), naganap ang landslides dakong alas-7:00 ng gabi kung saan natabunan ang dalawang bus na naghihintay at susundo sa mga tauhan ng Apex Mines habang nakaparada sa isang komunidad na nasa labas ng mining site sa Barangay Masara, bayan ng Maco.

Patuloy na pinaghahanap naman ang mahigit sa 40 katao na idineklara ng Apex Mining na ‘missing’.

Nabatid na kamakalawa ng hatinggabi ay pansamantalang ipinatigil ni Congressman Ruel Gonzaga, Acting Incident Post Commander, ang search and rescue dahil sa peligrosong sitwasyon sa lugar.

Sa 86 empleyado ng Apex Mines na inisyal na reported trapped, 45 dito ang na-rescue, na may tatlong critically injured na kinailangan ilikas ng Philippine Air Force choppers para madala sa Tagum Hospital.

“Efforts continue to locate and rescue the remaining 42 individuals, as declared by Apex Mines.”

Kahapon ay dumagsa na sa Incident Command Post sa Barangay Elizalde ang mga tauhan ng MDRRMOs mula sa iba’t ibang bayan para ayudahan ang isinasagawang Emergency Medical Services (EMS) at Search and Rescue (SAR).

(JESSE KABEL RUIZ)

54

Related posts

Leave a Comment