BUHAY NI LOLO KAPALIT SA PURI NG APO

QUEZON – Dead on the spot ang 58-anyos na lalaki matapos barilin ng stepson nito na ama ng batang babaeng ginahasa umano ng una sa bayan ng Lopez, dalawang taon na ang nakararaan.

Kinilala ang biktimang si Rogelio Basquinas Arganda, magsasaka at residente ng Barangay Sumalang sa naturang bayan.

Ayon sa report ng Lopez Police, nanonood ng television sa balcony ng kanyang ipinagagawang bahay ang biktima dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi, nang dumating ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Louielito.

Walang sabi-sabing binaril umano nito ang biktima na agad namatay matapos tamaan ng bala sa ulo at katawan.

Agad na tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen.

Lumabas sa imbestigasyon ng Lopez Police, noong nakaraang Marso 2022, hinalay umano ni Arganda ang anak ng suspek na apo ng biktima.

Hindi naman umano nagsampa ng kaso noon ang ama ng bata.

Ipinalalagay ng pulisya na ang nakaraang pangyayari ang naging motibo ng suspek para gawin ang krimen.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

65

Related posts

Leave a Comment