FRANCHISE FREE TELCOS NG NEDA TABLADO

TINABLA ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mungkahi ng National Economic and Development Authority (Neda) na ilibre na sa prangkisa ang telecommunication companies upang dumami ang players sa telecom industry.

“There is absolutely no way that Congress will give up its power to closely supervise the telecommunications sector, which is heavily imbued with public interest,” ani House minority leader Marcelino Libanan.

Bago makapagsimula ng operasyon, kailangan munang humingi ng prangkisa sa Kongreso ang isang player sa communication industry subalit nais ng NEDA na alisin na ang requirements na ito.

Layon umano nito na makahikayat ng maraming players na magiging daan para bumaba ang singil sa nasabing serbisyo subalit tinabla ng mambabatas.

“We are determined to exercise our oversight powers to ensure the supply of dependable and affordable telecommunications services, including internet services, to the public at all times,” paliwanag ng mambabatas.

“Let’s face it. Telecommunications is an extremely capital intensive business that requires massive investments over several years. But this should not discourage resolute new players who have the wherewithal to compete,” dagdag pa nito.

Inihalimbawa ni Libanan ang kaso ng Converge ICT Solutions Inc. at DITO Telecommunity Corp., na kamakailan lang ay lumagda sa isang kasunduan na gagamitin ang iterrestrial and submarine fiber optic cable assets para mapalawak ang kanilang serbisyo.

Nilinaw ng mambabatas na marami nang prangkisa ang ibinigay ng Kongreso para makipagkumpetensya ang mga ito sa big players tulad ng PLDT Inc. o kaya sa Globe Telecom Inc.

Kabilang rin dito ang Digital Telecommunications Philippines Inc. ng Gokongwei family at Connectivity Unlimited Resource Enterprise Inc. ng yumaong negosyanteng si Roberto Ongpin na ibinenta sa PLDT.

Nakuha rin umano ng Globe ang Bayan Telecommunication Inc. o Bayantel at Isla Communicanition o Islacom.

“Businessman Ramon Ang’s San Miguel Corp. (SMC) also ended up selling its telecommunications assets under Vega Telecom Inc. to PLDT and Globe in 2016,” pahayag pa ni Libanan.

(BERNARD TAGUINOD)

42

Related posts

Leave a Comment