CARGO VAN SUMALPOK SA NASIRAANG DUMP TRUCK, DRIVER PATAY

BATANGAS – Patay ang isang driver makaraang ang minamanehong cargo van ay sumalpok sa likuran ng dump truck sa national road sa Sitio Asis, Barangay Kaylaway sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Roland Cruzada Valdoz, 52-anyos, ng Brgy. Banilad, Nasugbu.

Ayon sa report ng Nasugbu Police, nasiraaan ang dump truck na minamaneho ni Marlon Brondo, at nakahinto sa kanyang lane nang sumalpok sa likurang bahagi nito ang van dakong alas-4:20 ng umaga.

Sa lakas ng pagkasalpok, nawasak ang harapan ng van at naipit sa loob ang biktima.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktima at nalagutan ng hininga dahil sa pagkakaipit sa van. Kinuha na ito ng punerarya matapos mahugot mula sa nasabing sasakyan.

Napag-alaman na may warning device naman na inilagay sa likod ng nasiraang truck subalit hindi umano ito napansin ng biktima kaya ito umararo sa likuran.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment