CHINA NAGPAPADALA NA NG MGA BARKO SA SILANGANG BAHAGI NG PILIPINAS PARA MANAKOP – TULFO

TARGET naman ng China ang Silangang bahagi ng Pilipinas na nasasakupan ng Pacific Ocean matapos nitong sakupin ang ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Pahayag ito ni ACT-CIS Rep. at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos mamataan ang ilang barko ng China sa naturang lugar kamakailan.

Ayon kay Cong. Tulfo, ” noong March lang dalawang barko nila (China) na mga research vessel daw ang naispatan sa Benham Rise”.

“Tapos nito lamang nakaraang linggo, isang research vessel na naman nila ang naispatan sa Catanduanes tapos tumakbo pa patungong Samar nang makita ng mga awtoridad,” dagdag pa ni Tulfo.

Huwag aniyang sabihin ng China na napadpad lang ang mga barko nila sa eastern seaboard natin.

Ayon pa sa mambabatas, “I am sure nagsa-surveillance na ang mga yan at gumagawa na ng plano kung saan sila maglalagay ng man-made island para gawing base ng People’s Liberation Army nila”.

Inihalintulad din niya ang China “sa mga magnanakaw na basta na lang pumasok sa karagatan natin nang walang paalam.

“Kaya bago pa maisakatuparan ang pagsakop nila sa ating teritoryo na naman, dapat mapigilan na sila ngayon ng ating Sandatahang Lakas,” pahabol pa ni Tulfo.

43

Related posts

Leave a Comment