COMELEC NAKAPAGTALA NG MAHIGIT 2M NEW VOTERS

KABILANG sa mahigit dalawang milyong aplikasyon na natanggap ng Commission on Elections para sa voter registration ang mga bagong botante na humiling ng reactivation o paglilipat ng voter registration.

Ayon kay Comelec Election and Barangay Affairs Department-Precinct Division chief, Atty. Jennifer Felipe., ito ay mula nang magsimula ang voter registration noong nakaraang Pebrero.

Hinimok naman ng Comelec ang mga botante na huwag nang hintayin ang last-minute at magparehistro na bago ang deadline sa Setyembre 30.

Kaugnay nito, ang pilot internet voting para sa overseas Filipinos para sa 2025 elections ay nakatakda upang mahikayat ang mas mataas na voter turnout.

Noong 2022, nasa 600,000 lamang ng 1.6 milyong rehistradong overseas Filipino voters ang bumoto.

Nitong unang bahagi ng buwan, nagsagawa ang komisyon ng pangalawang round ng bidding para sa P465.8 milyong Online Voting and Counting System (OVCS), ang pangalawang pinakamalaking kontrata para sa susunod na botohan.

(JOCELYN DOMENDEN)

35

Related posts

Leave a Comment