COMELEC POSITIBO SA MATAAS NA OV TURNOUT SA 2025 ELECTION

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na makakamit ang 70 hanggang 80 porsiyentong overseas voter turnout para sa 2025 midterm polls, sa pilot implementation ng internet voting.

Ito ay isang malaking pagtalon mula sa 38 porsyento na overseas voters turnout noong 2022 na botohan, kung saan humigit-kumulang 600,000 lamang sa 1.6 milyong rehistradong botante sa ibang bansa ang bumoto.

“That was the highest in overseas voting history. But that remains low when compared to local voter turnout. This is why we want to increase this through internet voting,” sabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco.

Umaasa rin ang Comelec na magkakaroon ng katulad na turnout gaya ng local elections kung saan nagkaroon ng 84 porsiyentong turnout noong nakaraang halalan.

Ayon kay Laudiangco, ang OVCs ay hindi na kinakailangan para sa mga Filipino sa abroad na personal na nagtungo sa Philippine posts o ine-mail ang kanilang balota.

“They can cast their votes at the convenience of their home, workplace, sailors at sea, as long as they have internet connection and enrolled devices,” sabi ni Laudiangco .

Idineklara ng Comelec-Special Bids and Awards Committee (SBAC) ang joint venture (JV) ng SMS Global Technologies, Inc. & Sequent Tech Inc. bilang may pinakamababang kalkuladong bid (LCB) para sa OVCS sa halagang P112 milyon.

Ang proyekto ay may aprubadong badyet na P465.8 milyon.

Samantala, ipinakita noong Huwebes ng SMS-Sequent JV ang internet voting system nito bago ang SBAC sa panahon ng post-qualification evaluation.

Sinabi ni Laudiangco, tinitingnan ng SBAC na matapos ang post-qualification evaluation ngayong buwan.

(JOCELYN DOMENDEN)

 

56

Related posts

Leave a Comment