NAKIPAGTALO SA INA, ANAK NAPATAY NG AMA

CEBU CITY – Dead on the spot ang isang 28-anyos na lalaki matapos na mabaril ng kanyang sariling ama habang nagtatalo sa kanilang bahay sa Lower Laguerta, Barangay Lahug sa lungsod noong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng Cebu City Police, pasado alas-10:00, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktimang si Kenn Pondar Caballes at ng kanyang ina.

Nakialam sa pagtatalo ng dalawa ang ama na si Eugenio Bontilao Caballes, 63, isang habal-habal driver, at sinabihan ang anak na tumigil na subalit hindi ito nakinig.

Sa halip, kumuha ng isang piraso ng kahoy ang biktima at hinampas ang kanyang ama.

Tuluyan nang nagdilim ang paningin ng ama na kinuha ang kanyang baril na isang .38 revolver at pinaputukan ang anak sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Sumuko naman ang ama matapos ang insidente at ngayon ay nakapiit na sa Mabolo Police Station sa Cebu City, at nahaharap sa kasong parricide.

Iniimbestigahan ng pulisya kung bakit may hindi lisensyadong baril na itinatago ang suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

45

Related posts

Leave a Comment