DALAGA TUMUNGGA NG ASIDO BAGO TUMALON SA CONDO

SINIGURADO ng 23-anyos na dalaga ang kanyang pagpanaw sa paraan ng paglaklak ng asido bago pa man lumundag mula sa ika-5 palapag ng condominium na tinutuluyan.

Kinilala ang biktima sa pangalang Iris Kyle Catacutan ng Chi Building, Unit 513 Redwoods Condominium, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 12:00 ng hatinggabi nang matagpuang wala ng buhay ang biktimang nakahandusay sa hardin sa baba ng gusaling tinitirhan.

Ayon kay PSSG Angel Pascasio III, isang Jelmer Lapider, security guard ng Redwoods Condo ang nilapitan di umano ng isang hindi na natukoy na lalaki para sa isumbong ang babaeng nakahiga sa hardin sa pag-aakalang lasing lang.

Nang puntahan, inabutan ang biktimang hindi na humihinga. Agad na humingi ng saklolo si Lapider sa barangay na mabilis na nagdala kay Catacutan sa paĝamutan kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Narekober naman ang SOCO Team ng QCPD Forensic Unit na pinamumunuan ni Police Captain Eric Angay Angay ng isang bote ng muriatic acid na walang laman at nakalagay sa lamesa sa loob ng unit ng dalaga. (LILY REYES)

40

Related posts

Leave a Comment