DOH REG’L DIRECTOR ITINALAGA SA PWESTO

KASABAY ng tuluyang pagreretiro ni Department of Health – Calabarzon regional director Eduardo Janairo, itinalaga ni Secretary Francisco Duque ang hepe ng DOH Supply Chain and Management Service bilang bagong pinuno ng tanggapan ng nasabing kagawaran sa rehiyon.

Sa isang pahayag, tinanggap naman ng tubong-Taytay, Rizal na si Dr. Ariel Valencia ang hamong ipagpatuloy ang husay na ipinamalas ng nagretirong regional director na naging bahagi ng ahensya sa loob ng 39 na taon sa siyam na DOH regional offices.

“Together with the DOH-CALABARZON family, our local government partners, private and public stakeholders, we shall take up all the challenges and deliver all the needed health services to our people,” sambit ni Valencia.

Bago pa man itinalaga sa DOH-Calabarzon, dati na siyang regional director ng apat na rehiyon – National Capital Region (2014-2018), Western Visayas (2008-1012), CARAGA (2012-2013) at  MIMAROPA (2013-2014).

Taong 2014 nang hiranging Acting Deputy Director for Field Regulatory Operations ng Food and Drugs Administration (FDA) si Valencia bago itinalaga bilang director ng DOH-Supply Chain and Management Service.

Taong 1992 nang pasukin ni Valencia ang gobyerno bilang medical officer ng Rizal Provincial Government at municipal health officer ng bayan ng Taytay bago inilipat sa DOH bilang Medical Specialist II sa DOH region IV-B na sumasakop sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan. (SIGFRED ADSUARA)

207

Related posts

Leave a Comment