DRUG TEST PINANGUNAHAN NI PMGEN. ESTOMO

PINANGUNAHAN ngayong Biyernes ng hapon ni NCRPO Regional Director PMGEN Jonnel Estomo ang pagsailalim sa mandatory drug test kasama ang mga 3rd level officer ng Philippine National Police (PNP) sa Hinirang Multi-purpose Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Layon ng nasabing aksyon ng mga ito na ipakita sa publiko na suportado nila ang adhikain ni DILG Secretary Benhur Abalos na linisin ang hanay ng pulisya laban sa mga protektor ng illegal drugs.

Ipinagmalaki rin ni Estomo na 67 opisyales ng NCRPO ang nagpakita ng suporta kay Chief PNP Gen. Rodolfo Azurin sa pamamagitan ng pagsusumite ng resignation letter alinsunod sa kahilingan ni Abalos na maghain ng courtesy resignation ang mahigit 900 PNP officials mula full pledge colonel hanggang general. (DANNY BACOLOD)

24

Related posts

Leave a Comment