EDCA 9 PINABUBUSISI SA KONGRESO

NAIS ng ilang mambabatas sa Kamara na busisiin ang ekspansyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Pilipinas matapos magkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na dagdagan ng apat ang EDCA locations sa bansa.

Ginawa ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang panawagan sa Kamara na magpatawag ng imbestigasyon dahil sa pagkumpirma ni US Defense Secretary Lloyd Austin na magiging 9 na ang EDCA locations sa Pilipinas.

Sinabi ng mambabatas na lubha itong nakababahala dahil tiyak na maiipit umano ang Pilipinas sa girian ng Amerika at China kapag nagkataon kaya dapat umano itong busisiin ng Kongreso.

“This is an alarming flashpoint in America’s military expansionism in Southeast Asia which brings the country and whole ASEAN region closer to instability, and further places the Philippines deeper in the midst of US-China tensions,” ani Brosas.

Maging si House deputy speaker Ralph Recto ay umapela sa executive at defense department na mahalagang bigyan ng mga ito ng ideya ang Kongreso sa pagdami ng EDCA locations sa bansa.

Ayon sa mambabatas, sa ngalan ng transparency ay nararapat lamang na magkaroon ng ideya ang publiko sa pagdami ng EDCA locations dahil walang ideya ang mga ito sa kasunduang ito ng dalawang bansa.

“What are the benefits that we as a nation will gain from the EDCA 9? Panalo ba ang bayan diyan? At ano naman kaya ang maaaring perwisyo, kung meron man?” pahayag ni Recto.

Kailangan ding malaman umano kung ano ang pangunahing dahilan para dagdagan ang EDCA locations at ilang military bases pa ang planong saklawin ng EDCA sa mga darating na panahon.

“Are we being built up as their armed garrison in the Pacific as a tripwire to Chinese expansionism? In principle, this is an administration prerogative I support. But I ask that whatever agreements be made public and the pros and cons be told,” dagdag pa ni Recto. (BERNARD TAGUINOD)

174

Related posts

Leave a Comment