ESTUDYANTE TUMALON SA ILOG, NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang 19-anyos na estudyante makaraang umano’y tumalon sa isang malalim na bahagi ng ilog sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Alfil Abad y Loot, residente ng Brgy. Halang Naic, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSgt, Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, dakong alas-4:30 hapon nang makatanggap ng tawag ang Naic MPS hinggil sa natagpuang bangkay sa gilid ng Katipunan River sa Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite.

Ayon sa dalawang estudyante na edad 14-anyos at 16-anyos na kasama ni Abad, nagkayayaan silang maligo sa ilog hanggang sa umano’y tumalon ang biktima

Ayon kay Veloso, inakala ng biktima na mababaw lang ang ilog ngunit malalim pala hanggang sa dalhin siya ng agos papalayo.

Inaalam ng pulisya kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ng biktima. (SIGFRED ADSUARA)

151

Related posts

Leave a Comment