ESTUDYANTE TUMALON SA LRT 1 CENTRAL STATION

NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 20-anyos na estudyante matapos na tumalon sa Central Station ng LRT 1 sa Ermita, Manila nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, bandang alas-9:14 ng umaga nang umano’y tumalon ang isang estudyante ng Lyceum of the Philippines University, sa south bound lane ng Central Station.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Philippine General Hospital subalit dakong alas-9:44 ng umaga ay idineklarang patay na ni Dr. Rizelle Jean T. Dimanlig.

(RENE CRISOSTOMO)

109

Related posts

Leave a Comment