EX-KONSEHAL NG CAMSUR, PATAY SA AMBUSH

CAMARINES SUR – Patay ang isang dating konsehal ng bayan ng Pili sa lalawigang ito, matapos pagbabarilin sa labas mismo ng kanyang apartment sa naturang bayan noong  Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Raul Delfin Divinagracia, residente ng Barangay Cadlan, Pili.

Ayon sa ulat ng Pili Municipal Police Station, dakong alas-9:00 ng gabi, kabababa lang ng biktima sa kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek.

Isinugod ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

28

Related posts

Leave a Comment