FEELING SINGLE BAWAL

BINALAAN ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang mga magsasamantala sa benepisyong tulong para sa mga solo parent dahil maaari silang pagmultahin ng P50k.

Ayon kay Herrera, na isa ring solo parent, adhikain ng programang ito na kilalanin ang mga solo parent sa pamamagitan ng mas aktibong representasyon at pagtugon sa kanilang mga hinaing na mapansin at matulungan ng gobyerno.

Tinatayang humigit kumulang 15 milyon na ang naitalang solo parent sa bansa at 95% nito ay pawang kababaihan na nag-iisang kumakayod upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Dapat din umanong bigyan ng tamang trato ng local government units ang beneficiaries na kumukuha ng solo parent ID na ang ilan umano ay nakararanas ng diskriminasyon. Kabilang dito ang ilang establisimyento na hindi tumatanggap o nagbibigay ng kaukulang diskwento o benepisyo para sa ID holders sa bansa.

Sa pangunguna ni Herrera, inihain ng BH Party-list ang House Resolution No. 1681 na siyang magpapaigting sa Expanded Solo Parents Welfare Act o Republic Act No. 11861.

Nanawagan din si Herrera na mas palawakin at bigyan pansin ng batas na ito upang masiguro na mayroong sapat na pondo at implementasyon upang matulungan ang mga solo parent sa bansa.

44

Related posts

Leave a Comment