Habang may PHL-US Balikatan CHINA BEHAVE MUNA SA WPS

UMAASA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtitino at walang gagawing na mapanghamong aksyon ang China sa kasagsagan ng ilulunsad na joint maritime na nakapaloob sa Balikatan Exercises 39-2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Navy spokesman for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, naniniwala silang hindi magsasagawa ng anomang ilegal na aktibidad ang China habang isinasagawa ang pagsasanay.

“It is an activity between the US and the Philippine, historically the illegal, unprovoked, uncalled for actions of China will only be to the Philippines,” pahayag ni Trinidad.

Ito ay kasunod ng napaulat na pagdami ng bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea kung saan ilan sa mga ito ay namataan sa mga lugar na pagdarausan ng naturang pagsasanay, makaraang magsimula ang naturang joint military exercises ng Pilipinas kasama ang iba pang kaalyado nating mga bansa.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commo. Roy Vincent Trinidad, matagal nang panawagan sa China na igalang at sumunod sa International Law kung kaya’t inaasahan na wala itong gagawing anomang hakbang na makapagpapataas pa ng tensyon sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

“…that has been the call ever since for China to respect international law and I expect them to behave actually this time,” ani Trinidad.

Subalit tiniyak ni Trinidad na may mga nakalatag na rin silang kaukulang mga hakbang sakaling magkaroon man ng tangkang panggugulo ang China sa ikakasang military exercises.

Masasaksihan ngayong linggo ang sabayang pagpapatrolya ng mga barko ng Pilipinas, Amerika, Australia at France sa karagatang sakop ng Pilipinas bilang bahagi ng naturang pinakamalaking iteration ng Balikatan Exercises.

(JESSE KABEL RUIZ)

70

Related posts

Leave a Comment