HAIR FOLLICLE DRUG TEST HAMON KAY PBBM NG ANTI-DRUGS ADVOCATE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINAMON kahapon ng isang nagpakilalang anti-drugs advocate group si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa hair follicle drug test upang matuldukan na ang mga akusasyon sa kanya.

Sa liham ng grupong Laban ng Pamilyang Pilipino Inc. sa Malacañang, umapela ang mga ito kay Marcos Jr. na agad sumailalim sa nasabing pagsusuri ngayong lumalakas ang panawagan ng publiko hinggil dito.

Ayon sa grupo, milyong Pilipino sa mundo ang nakaaalam ngayon ng umano’y paggamit ng droga ng Pangulo at ilan sa kanyang Gabinete base na rin sa pagbubunyag ng isang vlogger. Ang patuloy umanong pagbalewala ng Punong Ehekutibo sa panawagan ay umaani ngayon ng kawalan ng tiwala sa kanyang pamumuno.

Hinamon din nila si Marcos Jr. na suportahan ang Buhay ay Ingatan, Droga ay Iwasan (BIDA) program ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Marapat din anilang ipakita ng Marcos administration na ang Office of the President ay isang drug-free workplace at sumusunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang liham na ipinadala rin sa mga tanggapan nina DILG Sec. Benhur Abalos, PDEA undersecretary Moro Virgilio Lazo, Senado at ilang international at local media, maging sa ilang social media influencers ay pirmado ng isang Jonathan Morales.

39

Related posts

Leave a Comment