HALOS P2-M SHABU NASABAT SA ILOILO

ILOILO CITY – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National police ang tinatayang P1.9 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa Iloilo River Plains Subdivision, Barangay Lanit, Jaro District, noong Lunes.

Sa ibinahaging ulat ng Regional Drug Enforcement Unit-6 ng PNP-Police Regional Office-6, kinilala ang mga nadakip sa inilunsad na buy-bust operation na sina Joemarie, Rufino, Jhon, Elner, at Antonio matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002, ang labing pitong sachet ng shabu.

Samantala, tiniyak naman ni Villaflor na tuloy-tuloy at higit pang paiigtingin ang kanilang anti-drug campaign sa Western Visayas.

(JESSE KABEL RUIZ)

24

Related posts

Leave a Comment