Hospital bill hindi kinaya NAKABANGGANG RIDER NAGPAKULONG NA LANG

kulong

CAVITE – Hindi kinaya ang P50,000 na paunang hospital bill kaya nagpakulong na lamang ang motorcycle rider na nakabangga sa isang mag-ina habang tumatawid sa kalsada sa Bacoor City, noong Martes ng umaga.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Hospital ang biktimang si Shirley Maturgo y Hernandez, nasa hustong edad, at ang anak nitong 8-anyos dahil sa mga sugat sa katawan.

Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Kawasaki 100, na si Ronilo Pelayo y Tahor, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat, papatawid ang mag-ina sa kalsada sa Molino-Zapote Road sa Brgy. Molino 4, Bacoor City nang masagi sila ng minamanehong motorsiklo ni Pelayo dakong alas-6:30 ng umaga.

Nabatid na tinangkang mag-ayos ang suspek at ang kamag-anak ng mga biktima sa Bacoor City Component Police Station at humingi ng halagang P50,000 na inisyal na bayad para sa hospital bill ang huli ngunit hindi kaya ng driver kaya nagpakulong na lamang ito.

(SIGFRED ADSUARA)

242

Related posts

Leave a Comment