Ide-deploy sa West Philippine Sea SASAKYAN BUMALIKTAD, 8 PCG CREW MEMBERS SUGATAN

SUGATAN ang walong Philippine Coast Guard (PCG) crew members na nakatakdang i-deploy sa West Philippine Sea (WPS) matapos bumaliktad ang kanilang sasakyan sa Barangay Labog, Sofronio Española sa Southern Palawan.

Sinabi ni Capt. Dennis Labay, PCG District Palawan commander, ang nasabing crew members ay bahagi ng three-vehicle convoy na patungong Buliluyan Port sa Batazara para sa deployment sa Kalayaan Island Group.

Ayon kay Labay, agad na tumugon ang mga serbisyong pang-emergency, tiniyak na ang mga nasugatan ay madala sa Sagrado Hospital sa Brooke’s Point.

Sinabi ni Labay, susuriin nilang muli ang kanilang operational and safety protocols kapag nagdadala ng mga tauhan ng PCG by land.

(JOCELYN DOMENDEN)

56

Related posts

Leave a Comment