RETIRADONG SUNDALO PINATAY, INILIBING SA KANYANG BAKURAN

RIZAL – Bunsod ng masangsang na amoy na inireklamo ng mga kapitbahay, nadiskubre ng mga awtoridad ang bangkay ng isang retiradong sundalo na pinatay at inilibing sa mababaw na hukay sa kanyang mismong bakuran sa Talim Island, Purok 1, Brgy. Habagatan, sa bayan ng Binangonan sa lalawigan.

Noong Huwebes ng hapon nang matuklasan ng barangay officials ang nangyaring krimen at agad ini-report sa pulisya.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nahukay ang labi ng biktimang si Rodolfo Lirio sa kanyang bakuran.

Lumabas sa imbestigasyon na noong Disyembre 26 nang makaaway ng biktima ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Alvin”.

Matapos na imbitahan ng pulisya, inamin nito ang nagawang krimen.

Nagkaroon aniya sila ng pagtatalo sa loob ng compound ng biktima hanggang sa mauwi sa suntukan.

Nakakuha aniya siya ng kaputol na kahoy at hinataw sa ulo ang biktima na siya nitong ikinamatay

Para maitago ang krimen, inilibing niya ito sa mismong lugar subalit dahil sa pagmamadali ay sa mababaw na hukay lamang niya ito tinabunan.

Nahaharap ang suspek sa kasong homicide.

(NILOU DEL CARMEN)

117

Related posts

Leave a Comment