IMMIGRATION NALUSUTAN NG BLACKLISTED VIETNAMESE

NALUSUTAN ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ng isang blacklisted Vietnamese national na hindi dumaan sa tamang proseso, ayon sa mga kritiko ng ahensiyang ito.

Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Thi Linh Dien, 26-anyos, pinaniniwalaang dumating noong Hulyo 18, 2023, nang hindi dumaan sa Immigration counter sa NAIA.

Batay sa impormasyon, si Thi ay na-blacklist noong pang taon 2019, at nakalagay ang pangalan nito sa Immigration database.

Kung kaya’t ayon sa mga bumabatikos sa BI, imposible na hindi madi-detect ang pangalan nito pagpasok sa Immigration counter.

Na-intercept si Thi sa NAIA Terminal 1 habang papasakay sa kanyang Philippine Airline flight papuntang Saigon.

Si Thi ay pansamantalang nakakulong sa BI Detention Center Facility sa Taguig City, habang naka-pending ang deportation order sa kanya mula BI Board of Commissioners.

(FROILAN MORALLOS)

148

Related posts

Leave a Comment