Itinutulak ni Defensor PWDs 20% OFF SA RFID LOAD

0

MAGANDANG balita sa mga may kapansanang bumabagtas sa mga toll roads. Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para sa 20% diskwento sa toll fee para sa mga taong may kapansanan kesehodang sila mismo ang motorista o pasahero lang.

Kasabay ng paggunita ng International Day of Persons with Disabilities, inihain ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang House Bill 10558 na nagtatakda ng 20% diskwento para sa

PWDs sa tuwing bibili ng load para sa RFID cards na gamit ng mga motoristang dumadaan sa Skyway, North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Cavitex at iba pang toll roads.

“Our measure, once enacted, will give greater meaning to the mandate of the 1987 Constitution for the State to prioritize the needs of vulnerable Filipinos,” ani Defensor.

Sa ilalim ng nasabing panukala, kagyat na mababawas ang 20% sa katumbas na halaga ng load na ikakarga sa mga RFID cards. Gayunpaman, tanging mga RFID cards na nakarehistro sa sasakyang nakapangalan sa PWD ang pwedeng makuha ng diskwento.

Sa tala ng kongresista, hindi bababa sa 1.5 milyong PWDs ang makikinabang sa nasabing panukala sa sandaling maisabatas ang HB 10558.

Tinukoy rin ang Toll Regulatory Board (TRB) na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) bilang punong tagapagpatupad sakaling tuluyan nang maisabatas ang kanyang panukalang magpapalawig ng benepisyo sa hanay ng mga taong may kapansanan.

Sa ilalim ng Magna Carta for Disabled Persons, 20% rin ang diskwento ng mga PWD sa mga public transportation. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment