JAIL OFFICER NANUTOK NG BARIL SA AWAY-TRAPIKO

CAVITE – Nakikipag-unayan ang pulisya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) hinggil sa isang jail officer na umano’y bumangga sa motorsiklo ng mga biktima at nanutok ng baril makaraang akusahan na sila ang tumutok ng ilaw sa minamaneho nitong ng sasakyan sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA), sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alyas “Edsel”, tinatayang 25-30-anyos, jail officer ng BJMP sa GMA, Cavite.

Ayon sa reklamo ng mga biktimang sina alyas “Marc”, 28, at alyas “Aubrey”, 24, kay Police Staff Sergeant Dann Czar Q. Rosales ng GMA Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw noong Lunes nang mangyari ang insidente sa Governor’s Drive, Brgy. Maderan, GMA, Cavite.

Magkaangkas umano sila sa motorsiklo patungo sa direksyon ng Dasmariñas City habang ang suspek ay sakay ng isang blue na Hyundai Eon at binabagtas nito ang opposite direction.

Ngunit sinundan umano ng suspek ang kanilang motorsiklo at nang abutan ay binangga ang kanilang sasakyan nang dalawang beses saka sila hinarang.

Pagkaraan ay kinompronta umano sila ng suspek na tinutukan nila ito ng ilaw na nagresulta sa kanilang pagtatalo hanggang sa tutukan sila ng baril nito.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment