3-ANYOS PASLIT PATAY SA SUNOG SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang 3-anyos na lalaking paslit matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa F. Urra St., Barangay Poblacion 1, sa bayan ng Nagcarlan sa lalawigan noong Martes ng hapon.

Ayon sa Nagcarlan MDRRMO, dakong alas-4:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Angelyna Nombres na umabot sa unang alarma.

Natutulog umano ang bata sa ikalawang palapag nang sumiklab ang apoy at hindi nagawang mailigtas ng nagrespondeng mga tauhan ng BFP, MDRRMO at PNP dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa bahay na yari sa light materials.

Nagawa namang makalabas ng isa pang batang kapatid nito.

Wala umano sa bahay ang mga magulang ng bata nang mangyari ang insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

31

Related posts

Leave a Comment