JAIL SA PINAS, PANG-3 SA BUONG MUNDO SA PAGIGING OVERCROWDED

PANGATLO na ngayon ang Pilipinas sa buong mundo sa may pinakamaraming bilang ng persons deprived of liberty (PDLs).

Ayon sa Global Prison Trends Report of 2023, ang Pilipinas ay pangatlo sa global ranking na may 375% prison occupancy rate.

Dahil ito sa patuloy na paglobo ng crime rate sa Pilipinas kaya kasabay nito ang paglaki rin populasyon sa mga piitan sa bansa na kaakibat naman ang problema sa siksikang detention facilities na nananatiling hamon sa prison system ng bansa.

“Imagine a cell that is meant for 10 PDLs is occupied by 60 PDLs,” ani BJMP Chief Jail Director Ruel S. Rivera nang kapanayamin ito ng Institute for Solidarity in Asia (ISA) kaugnay sa umiiral na prison system sa Pilipinas.

Dahilan upang lumikha ang BJMP ng mga makataong sistema sa tulong ng external stakeholders para mabawasan ang pagsisiksikan sa mga kulungan.

“In light of the concerning figures, the nation has seen significant internal improvement. From January to October 2023, there was a 348% reduction in jail congestion rates, a noteworthy progress from the 367% record in 2022, as per the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).”

Aminado si JDIR Rivera na “despite these strides, challenges persist in the rehabilitation and reintegration of persons deprived of liberty (PDLs). Out of nearly 100,000 PDLs reintegrated in 2022, about 27,000 individuals have re-offended, highlighting the need for more effective measures to prevent recidivism”.

Samantala, dahil sa nararanasang matinding temperature dulot ng El Niño at tag-araw, may 600 persons deprived of liberty (PDLs) sa mga bilangguan na saklaw ng National Capital Region, ang nagkaroon ng sakit na pigsa, at respiratory diseases.

Kaya nagpatupad si Rivera ng mga hakbang para hindi na kumalat sa mga jail facility ang karaniwang mga sakit tuwing tag-init gaya ng pigsa.

Kabilang dito ang paglalagay ng karagdagang ventilation systems sa loob ng mga piitan sa NCR.

Kasama rin aniya ang paglalagay ng electric fans, air shelf sa mga bubong at pagpapaluwag ng mga bintana.

Inatasan na rin ni Rivera ang BJMP regional directors na kausapin ang water concessionaires para masiguro ang sapat na water supply sa inmates para makaligo ang mga ito nang dalawang beses kada araw.

Nabatid na ang pigsa at jail rash o “rumbo-rumbo” ay dalawa sa karaniwang problema sa mga kulungan tuwing tag-init.

Samantala, kumpiyansa naman si BJMP spokesperson, Chief Insp. Jayrex Bustinera na hindi na tataas ang bilang ng mga kaso ng nagkakapigsa dahil sa mga hakbang na ipinatutupad.

Sa talaan ng BJMP, mayroong 4,545 kaso ng pigsa sa mga inmate mula Marso hanggang Mayo noong nakaraang taon.

(JESSE KABEL RUIZ)

39

Related posts

Leave a Comment