JOBLESS TIMBOG SA BARIL, ATTEMPTED HOMICIDE

MAKARAAN ang habulan, nakorner ang isang 52-anyos na jobless na sinilbihan ng warrant of arrest at nakumpiskahan ng baril, ng mga tauhan ng Manila Police District-Moriones Police Station sa Tondo, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang suspek na si Ricardo Sanguer, binata ng Tondo, Manila.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo III, station commander, bandang alas-7:00 ng umaga nang posasan si Sanguer sa Amarhalague St. sakop ng Barangay 77, Zone 7, sa Tondo, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Thelma Bunyi Medina ng Regional Trial Court Br. 32 ng Manila, sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Bunsod nito, nadagdagan ng isa pang count ng nasabing kaso ang suspek na agad isinailalim sa inquest proceedings.

Samantala, arestado rin ang isang 40-anyos na jobless sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted homicide, sa Zobel Roxas Street, Sta. Ana, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Ronald Bagaporo, binata, ng Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station, bandang alas-6:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Gwendolyn Marquez Dizon ng Metropolitan Trial Court Branch 21 ng Manila.

Gayunman, inirekomenda ang korte na maglagak ng P36,000 halaga ng pyansa ang suspek para sa pansamantala nitong paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

28

Related posts

Leave a Comment