KAGAWAD NA VIRAL SA DAMI NG ALAHAS TINADTAD NG SAKSAK

ORIENTAL MINDORO – Natagpuang walang buhay at tadtad ng tama ng mga saksak sa katawan ang isang barangay kagawad sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. San Vicente Central, Calapan City nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Calapan City Police chief, Lt. Col. Danilo Driz, nadiskubre dakong alas-8:30 ng umaga ang bangkay ng biktimang si Dr. Augustine Bolor Jr., alyas “Doc Ting”.

Ang biktima ay minsan nang nag-viral sa social media dahil sa napakaraming suot na mga alahas habang nasa isang okasyon.

Bukod sa pagiging kagawad, isa ring itong dentista.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang SOCO at ang mga tauhan ng Calapan City Police hinggil sa insidente.

Pagnanakaw ang isa sa mga motibong tinitingnan ng pulisya hinggil sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

89

Related posts

Leave a Comment