KAYAKER NALUNOD, KASAMANG ASO NAWAWALA

BATANGAS – Nalunod ang isang dalaga habang nagkakayak kasama ng kanyang aso sa dagat sakop ng Brgy. San Teodoro, sa bayan ng Mabini sa lalawigan noong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Mabini Police, natagpuan ng mga crew ng barkong Island Star M Lines ang wala nang buhay na biktima dakong alas-8:00 ng umaga.

Ini-ahon nila ito at dinala sa dalampasigan ng Brgy. Anilao Proper, Mabini.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Loren Catino Maravillo, 40, residente ng Sitio Maligaya, Barangay San Isidro, Antipolo, Rizal.

Napag-alaman na ang biktima ay nagsagawa ng kayak activities kasama ang kanyang aso sa baybaying dagat ng Brgy. San Teodoro dakong umaga subalit walang suot na life vest.

Hindi pa natatagpuan ang ginamit nitong kayak at ang kasama niyang aso.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment