KAGAWAD UTAS SA DATING KAALITAN

LAGUNA – Patay ang isang barangay kagawad matapos na barilin ng kanyang dating kaalitan sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Cabuoan, sa bayan ng Santa Maria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si John Arvy Vispo, 36, residente at kagawad ng Brgy. Adia, dahil sa tama ng mga bala sa dibdib at tiyan.

Batay sa imbestigasyon ng Santa Maria Police, dakong alas-8:20 ng gabi, nasa tindahan ang biktima at bibili ng alak nang dumating ang suspek na kinilalang si Reynald Ikling.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng maiksing baril ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril subalit sumuko sa pulisya makalipas ang ilang oras.

Ayon sa imbestigador ng kaso, may matagal nang alitan ang dalawa hanggang sa matiyempuhan ng suspek ang biktima nang mapadako sa tindahan sa kanilang lugar.

Nitong Biyernes ng umaga ay sinampahan ng kasong murder ang suspek sa Office of the Provincial Prosecutor sa bayan ng Santa Cruz. (NILOU DEL CARMEN)

15

Related posts

Leave a Comment