‘KARATE MASTER’ SUMALUBONG SA TREN, PATAY

patay

NALURAY ang katawan ng isang hindi kilalang lalaki makaraang salubungin ang tren at akmang kakaratehin noong Linggo ng hapon sa Tondo, Manila.

Tinatayang nasa 50-anyos pataas, may taas na 5’2″ hanggang 5’4″, at nakasuot ng puting T-shirt ang biktima.

Base sa ulat na isinumite kay P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Manila Police District – Station 7, bandang alas-5:45 ng hapon nang mangyari ang insidente sa riles ng tren sa F. Yuseco St. saTondo.

Ayon sa salaysay ni Jerwin Laguerta, barangay executive officer ng Brgy.155, Zone 14, malimit na dumaraan ang biktima sa lugar na pormang nangangarate kaya binansagang “Karate Master”.

Kapag umano nakakikita ito ng imahe, itinataas nito ang dalawang kamay saka pasigaw itong nagdarasal at akmang may kinakarate.

Nabatid pa kay Laguerta, naglalakad sa gitna ng riles ang biktima nang marinig ang busina ng parating na tren.

Imbes na umalis sa riles, hinarap umano ng biktima ang tren at akmang kakaratehin.

Bunsod nito, nasalpok ito ng tren at nakaladkad na umabot malapit sa panulukan ng F. Yuseco at Raxabago streets sa Tondo. (RENE CRISOSTOMO)

12

Related posts

Leave a Comment