KELOT PATAY SA SAKSAK

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay na may mga tama ng saksak sa katawan, sa bakanteng lote ng isang subdibisyon noong Linggo ng umaga sa Imus City.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang natagpuang ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima, ng ilang residente sa bakanteng lote sa Pallas Athena Classic Riverside sa Brgy. Anabu 2-B, Imus City, Cavite.

Nagsasagawa ng backtracking sa CCTV ang mga awtoridad upang mabatid kung kung paano napadpad sa lugar ang biktima.

(SIGRED ADUARA)

28

Related posts

Leave a Comment