KILLER NG RESORT CARETAKER SA QUEZON NATIMBOG

QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa babaeng caretaker ng Beneraza Resort sa Brgy. Guisguis, Talon sa bayan ng Sariaya sa lalawigan.

Ayon kay Lt. Col. Rommel Sobrido, hepe ng Sariaya PNP,  naaresto sa follow-up operation kahapon ang suspek na si RV Joy Flores Paderon alyas “Tek,” 24, miyembro umano ng notorious na Paderon drug group.

Ayon pa kay Sobrido, usapin sa illegal drugs at paghihiganti ang motibo ng pamamaril sa biktima.

Ang asawa ng biktima na dating asset ng pulisya, ang siyang talagang target ng mga suspek dahil ito ang naging dahilan ng pagkakahuli at pagkakakulong sa ilang miyembro ng naturang drug group.

Matatandaang noong Sabado, Mayo 27, dakong alas-4:30 ng hapon ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktimang si Aiza Magboo, 34, habang nasa isang kubo sa nasabing resort. (NILOU DEL CARMEN)

116

Related posts

Leave a Comment