KOTSE SINALPOK NG MOTORSIKLO, 2 PATAY

BULACAN – Patay ang dalawang rider ng motorsiklo makaraang salpukin ng isang kotse na nag-counterflow sa Manila North Road (MacArthur Highway) sa Barangay Borol 1st, sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ronald Arevalo, driver ng motorsiklo, at Christian Caluag, 32-anyos.

Sugatan naman ang sakay ng kotse na mag-amang sina Willard Kent Silverio, 28, at Louie Dane, 10-anyos.

Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-12:10 ng umaga nang mangyari ang insidente habang sakay sina Arevalo at Caluag sa motorsiklong may plakang 2647 SM at binagbagtas ang northbound ng MacArthur Highway.

Ngunit biglang itong sinalpok ng nag-counter flow na Toyota Corolla na may plakang PTM 777.

Sinuro rin ng kotse ang isang lugawan ng sidewalk vendor na nasa gilid ng kalsada, bago bumaligtad at nagliyab.

Agad namang nailigtas ang mag-ama mula sa nagliliyab na kotse habang ang dalawang sakay ng motorsiklo ay mabilis na isinugod sa Bulacan Medical City ngunit idineklarang dead on arrival.

(ELOISA SILVERIO)

42

Related posts

Leave a Comment