DOH KINALAMPAG SA HEA NG HEALTH WORKERS

MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng health workers para ilabas na ng Department of Health (DOH) ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng health workers sa bansa.

Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinagawa ng grupo ng health workers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan at taon na pagkakautang sa kanila.

“Ang pondo ay nasa inyo na (DOH) mula noong Enero. Ano ang dahilan kung bakit hindi ninyo naibigay ang HEA para sa mga manggagawa sa pribadong ospital?” ayon kay Ronald Richie Ignacio, tagapagsalita ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP).

Ayon sa mga dokumento at datos mula sa Department of Budget and Management (DBM), mahigit P91 billion na ang nailabas nilang pondo sa DOH para mabayaran ang HEA ng mga HCWs simula noong taong 2021.

Noong 2021, naglabas ang DBM ng 12.1 bilyong piso para mabayaran ang HEA, mahigit 28 bilyong piso noong 2022, P31.1 billion noong 2023, at P19.962 billion naman noong 2024.

Ang huling 19 bilyon ay inilabas ng DBM sa DOH noong Enero 1, 2024, maliban pa sa dalawang bilyong pisong nakalagak para sa HEA sa unprogrammed appropriations.

Nakakalungkot lamang na sa kabila ng 91 bilyong pisong inilabas na pondo ng DBM, 64-bilyong piso pa lamang ang naipamimigay ng DOH sa health workers.

Ang tanong ng karamihan sa DOH, nasaan ang kulang-kulang 30 bilyong piso at bakit hindi pa ito naipamimigay gayung na-release naman na ng DBM ang naturang pondo?

Nahihirapan din umano ang DBM na ma-compute ang kabuuang kakulangan sa pondo para sa HEA sapagkat hindi pa nagsa-submit ang DOH ng detalyadong report at accounting kung ilang tao na ang kanilang nabayaran at ilang buwan pa ang kulang.

42

Related posts

Leave a Comment