KOTSE SUMALPOK SA CENTER ISLAND, MAG-UTOL DEDBOL

AGUSAN DEL NORTE – Patay ang magkapatid na lalaki nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa center island sa Butuan City sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa report ng Butuan City Police, tinatahak ng kotseng sinasakyan ng magkapatid na sina Renante Elisan, 47, at Frederick , 44, ang kahabaan ng C. Aquino Avenue mula sa city proper papuntang Ram City Homes sa Barangay Libertad, nang matumbok ng mga ito ang kabilang dulo ng center island sa harap ng isang mall.

Sa lakas ng impact, nawasak at nagkayupi-yupi ang buong sasakyan na grabeng ikinapinsala ng dalawang biktima.

Isinugod ang mga ito sa ospital subalit kapwa idineklarang dead on arrival ng doktor.

(NILOU DEL CARMEN)

86

Related posts

Leave a Comment