6 SAPUL SA KIDLAT SA DAVAO CITY

DAVAO CITY – Sugatan ang anim katao matapos tamaan ng kidlat noong Sabado ng hapon sa Brgy. Salaysay, Marilog District sa lungsod.

Ayon sa report ng Marilog Police Station, dumalo sa kasal ang mga biktima at pauwi na nang biglang umulan dakong alas-3:00 ng hapon kaya sumilong muna ang mga ito.

Subalit biglang humagupit ang isang matalim na kidlat na tumama sa puno ng niyog, hindi kalayuan sa mga ito.

Naabot ng malakas na boltahe ang mga biktima matapos na tumalbog at gumapang ang kuryente dulot ng kidlat.

Agad sinaklolohan ng mga residente at mga opisyal ng barangay ang mga biktima at isinugod sa Kibalang District Hospital.

Ayon sa hepe ng Marilog Police Station, nasa stable nang kondisyon dahil minor injuries lamang ang dinanas ng mga biktima, kabilang ang dalawang menor de edad.

(NILOU DEL CARMEN)

52

Related posts

Leave a Comment