LADY RIDER PATAY SA FIRETRUCK

PATAY ang isang 34-anyos na babaeng motorcycle rider makaraang mag-overtake sa isang jeepney at masalpok ng firetruck sa westbound lane sa Pedro Gil Extension sa panulukan ng P. Carreon St., Sta. Ana, Manila noong Huwebes.

Kinilala ang biktimang si Kathlyn dela Cruz, residente ng Paco, Manila.

Habang ang driver ng firetruck ay kinilalang si Joey Remento, 36-anyos.

Batay sa ulat ni Police Master Sergeant Maximil Yabut, desk officer ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-6:56

ng gabi nang mangyari ang insidente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report ng pulisya, nag-overtake ang biktimang lulan ng motorsiklo nang biglang huminto sa harapan nito ang isang jeepney na minamaneho ni Alfredo Balaguer Jr., 56-anyos, nagresulta sa pagsalpok nito sa kasalubong na firetruck.

(RENE CRISOSTOMO)

69

Related posts

Leave a Comment