LALAKI, BATA PATAY SA LOVE TRIANGLE

patay

QUEZON – Patay ang isang lalaki at isang batang babae sa nangyaring pamamaril sa isang bahay sa Sitio Mahal na Senior, Brgy. Sta. Catalina Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Candelaria Police, target ng gunman ng 41-anyos na biktimang si Rodel Panaligan at nadamay lamang ang menor de edad na pamangkin nitong  babae

na nagkataong nasa bahay nito nang mangyari ang insidente.

Base sa report, dakong alas-10:40 ng gabi, nakatayo sa harap ng bahay si Panaligan nang dumating ang nag-iisang suspek at walang habas itong pinaputukan ng anim na beses gamit ang isang kalibre .38 baril.

Tinamaan ng mga bala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Lumusot naman sa bintana ang ilang bala at tinamaan ang bata na noon ay nasa loob ng bahay. Isinugod sa ospital ang bata subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa Candelaria Police, love triangle ang nakikita nilang motibo sa krimen at mayroon nang ‘person of interest’ sa kaso na umano ay ang asawa ng karelasyon ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)

15

Related posts

Leave a Comment