LALAKI NAKURYENTE SA ALULOD, PATAY

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang trabahador nang makuryente mula sa nasagi nitong alulod na dumikit sa linya ng kuryente sa Tagaytay City, noong Huwebes ng hapon.

Dinala sa ospital ng Tagaytay ang biktimang si David Sevilla y Mayor, nasa hustong edad, ng Tagaytay City, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa ulat, inaayos ng biktima ang bubong ng bahay ng isang Arsenia Felicitas y Cabrera sa Brgy. Sungay East, Tagaytay City dakong alas-5:00 ng hapon nang mabangga nito ang alulod ng bubong na dumikit sa isang live wire at nakuryente.

Bunsod nito, nangisay ang biktima at nahulog sa ibaba mula sa rooftop.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

(SIGFRED ADSUARA)

 

97

Related posts

Leave a Comment