LASING NALUNOD SA DAGAT SA QUEZON

QUEZON – Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga nasawi sa pagkalunod sa lalawigan, matapos na malunod ang isang umano’y lalaking lasing sa Brgy. Sto. Niño Ajos, sa bayan ng Mulanay, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Mulanay Police ang biktimang si Julieto Mendoza Bariata, 47-anyos.

Nadiskubre ang wala nang buhay na biktima dakong alas-7:00 ng umaga noong Linggo sa dalampasigan ng Sitio Mahabang Lam-aw sa kanilang barangay.

Ayon sa report, huli itong nakitang buhay noong Sabado dakong alas-5:00 ng hapon na masayang nakikipag-inuman sa kanyang mga kamag-anak habang nagpi-picnic sa tabing dagat.

Sa tala ng PNP, ito ang ika-apat na nalunod sa Quezon at pang 13 naman sa buong Calabarzon nitong nakaraang Semana Santa.

(NILOU DEL CARMEN)

120

Related posts

Leave a Comment