DALAGA PINIKTYURANG NALILIGO SA BANYO, BINATA KALABOSO

BATANGAS – Himas-rehas ang isang isang binata matapos na mahuli na pinipiktyuran ang isang dalaga habang naliligo sa banyo sa kanilang bahay sa Brgy. Bolbok, sa bayan ng Taal sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Taal Police ang suspek na si alyas “Mike”, 26, tubong Naujan, Oriental Mindoro, at residente ng Brgy. Carsuche, Taal.

Batay sa reklamo ng 20-anyos na si “Francine”, naliligo siya dakong alas-10:00 ng gabi nang mapansin ang isang cellphone na nakatutok sa kanya mula sa bintana ng banyo.

Agad sumigaw ang dalaga at humingi ng tulong at nahuli sa akto ang suspek.

Nakakulong na ang suspek sa Taal Municipal Police Station temporary custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 o sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Nakita sa cellphone ng suspek ang ilang larawan ng dalaga na hindi na nito magawang burahin bago siya nadakma.

(NILOU DEL CARMEN)

222

Related posts

Leave a Comment