LEGALISASYON NG MEDICAL MARIJUANA TINATALAKAY NA SA SENADO

PINAG-USAPAN na sa Senado na gawing legal ang cannabis medicine, ayon kay Richard Nixon Gomez, kilalang Scientist at Inventor, CEO ng Bauertek.Kasamang dumalo sa Senado ng ilan nagsusulong na maging legal ang cannabis medicine, si Dr. Gomez, kilalang Scientist at Inventor at CEO ng Bauertek Pharmaceutical Technologies na may kakayahang gumawa ng Pharmaceutical Grade Medical Cannabis.

Sa eksklusibong panayam sa lungsod ng Quezon kay Ginoong Gomez, sinabi nito na ang cannabis medicine ay mas mura para sa mga kababayang may karamdaman at makapagbibigay ng trabaho at malaking buwis sa bansa.

Hindi aniya kasama ang recreational cannabis sa panukalang batas.Ang isang panukala na magpapahintulot sa mga kwalipikadong pasyente na makatanggap ng therapeutic at palliative na benepisyo mula sa medikal na cannabis ay nasa plenaryo na ngayon. Sa Senado, si Sen. Robinhood Padilla ang nag-sponsor ng Senate Bill no. 2572 o ang panukalang Cannabis Medicalization Act of the Philippines.

Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Philippine Medical Cannabis Authority sa ilalim ng Department of Health. Ang awtoridad na ito ang magiging responsable sa paggawa ng Comprehensive Cannabis Medicalization Plan, pagtatatag ng mga regulasyon para sa medikal na paggamit ng cannabis, pagpapatupad ng monitoring at regulatory system at pag-isyu ng mga lisensya para sa mga rehistradong entity sa loob ng medikal na industriya ng cannabis.

“Ang mga batas na ipinatupad nito, batay sa pag-aaral, pagsasaliksik, patotoo ng mga doktor at eksperto mula sa iba’t ibang aspeto ng paghahambing sa panunumpa ng kaalaman at pinakamahusay na kasanayan sa pagpapatupad nito,” sabi ni Padilla sa kanyang sponsorship speech nitong Miyerkoles (Marso 20).Lubos naman nagpasalamat ang iba’t ibang sector kina Senator Padilla at Bato dela Rosa.

54

Related posts

Leave a Comment