SUICIDE SA HOTEL

SURIGAO CITY – Natagpuang walang buhay ang isang balikbayan na umano’y nagbaril sa sarili sa isang hotel sa lungsod noong Martes ng umaga.

Kinilala ng Surigao City Police ang biktimang si Simon Rosales Diez, 56, residente ng Villa Coreto sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa Gateway Hotel, dakong alas-9:00 ng umaga tungkol sa insidente,

Agad nagresponde ang mga awtoridad at sa imbestigasyon, napag-alamang wala nang buhay ang biktimang may tama ng bala sa ulo.

Sinasabing nag-check-in ang biktima sa hotel noong Marso 17, 2024, ngunit nagbaril sa sarili noong Martes matapos mag-almusal sa restaurant ng hotel.

Ayon sa mga staff, pagkatapos kumain ng biktima, bumalik na ito sa kwarto, subalit ‘di kalaunan ay nakarinig sila ng putok at nang tingnan ng roomboy ang kuwarto, nakitang duguan ang biktima.

Napag-alamang walang foul play sa insidente base sa CCTV footage.

Patuloy ang imbestigasyon ng Surigao City Police Office para malaman kung ano ang dahilan ng pagbaril ng biktima sa kanyang sarili, at kung ano ang koneksyon sa naiwang papel na may nakasulat na dalawang pangalan ng tao at cellphone number.

(NILOU DEL CARMEN)

86

Related posts

Leave a Comment