LIBRENG SAKAY SA LRT 2 SA RIZAL DAY

LIBRENG sakay sa mga mananakay ng Light Rail Transit 2 (LRT- 2) ang alok ng pamunuan sa araw ng paggunita sa pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal sa Biyernes, Disyembre 30.

Base sa naging pahayag ng LRTA – 2, ang libreng sakay ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga, at dakong alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi

Ang mga unang tren ay aalis mula sa Claro M. Recto Station at Antipolo Station sa ganap na alas-5:00 ng umaga, at ang huling tren mula sa Antipolo Station ay aalis ng alas-9:00 ng gabi at alas-9:30 ng gabi mula sa Recto Station.

Ang libreng sakay ay bahagi ng pakikiisa ng Light Rail Transit Authority sa mga mananakay sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat. Jose Rizal.

Gayunman, nagbabala ang pamunuan ng LRTA sa mga pasahero na panatilihin ang health and safety protocol upang maiwasan ang COVID-19  infection .

Layunin nito na makatipid kahit na sandali ang mga mananakay sa libreng sakay.

Mananatili pa rin ang seguridad ng bawat indibidwal makaraang iutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Jonnel Estomo ang paghihigpit sa bawat istasyon ng tren, hindi lamang sa LRT- 2 kundi maging sa LRT 1. (RENE CRISOSTOMO)

25

Related posts

Leave a Comment